Mukhang wala nang pag-asa ang Pacquiao vs Mayweather boxing bout. Ayaw ni Mayweather. Malinaw na malinaw na ayaw ni Mayweather lumaban kay Pacquiao.
Yang drug test na yan, alibi lang yan ni Mayweather para di matuloy ang laban nila. Gusto niya random blood test samantalang yung blood test or drug test right after the fight ay sapat na upang malaman kung talagang gumamit ba ang isang boxer ng performance enhancing drugs.
Pero bakit ba iginigiit ni Mayweather ang random blood testing... Alam kasi niya na may psychological effect kay Manny ang blood test. Yun ang nakita nilang weakness na Manny. Kaya upang mapasiguro ang panalo nila sa laban, igigiit nila ang random blood testing nang sa gayon right before the fight kukunan ng blood test si Manny at siyempre dahil weakness nga yan ni Manny, so disturbed na ang mind ni Manny sa laban.
Anong sa tingin ninyo? Wise si Mayweather o sadyang duwag?
Friday, January 8, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment